My Kakampink Story

Hi! I just want to share my kakampink story here.

Ako po si Mike. OFW ako since 2015. 3rd country ko na ang Japan. 3 years na ako dito and recently lang ako nagparenew ng registration ko to vote. Ano ang deciding factor at bakit tiyinaga kong pumila for 5 hours sa Philippine Embassy sa Tokyo kahit maulan para lang makaregister? May tumakbong kandidato na sa tingin ko ay karapat-dapat. Kandidatong deserve ng mga Pilipino para sa ikabubuti ng bansa.

Since the announcement ng pagtakbo niya, very vocal na ako sa sinusuportahan ko. Bakit? Dahil nagsiyasat ako nang maigi at lumabas talaga na si VP Leni Robredo ang pinakaqualified. Walang bahid ng corruption. At marami na ang nagawa at gagawin pa.

So far, 3 Leni-Kiko events na ang pinagvolunteeran ko dito sa Japan:

So bakit ko to ginagawa kahit di naman ako bayad at abonado pa nga? Bakit di ko na lang gamitin yung oras ko sa pagvolunteer para sa mga hobbies ko o sa pahinga? Isang rason, naniniwala ako sa mga kandidato ko at first time ako naging hopeful para sa bansa natin.

Never ako umattend sa kahit anong event ng Filipino community dito sa Japan. Wala nga akong friends dito bukod sa coworkers ko pero simula nung umattend ako sa event for Leni-Kiko, feel na feel ko ang bayanihan at pagkamakabayan ng bawat Pinoy na nakakasalamuha ko. Di ko maexplain yung feeling pero punong-puno ako ng kaligayahan. Parang may umalab within me.

Kakaiba yung election ngayon. Yung mga supporters na mismo ang willing gumastos para sa kandidato nila. Mga supporters na mismo ang nagiinvest para sa ikabubuti ng bansa. Lumabas ang spirit of volunteerism. Lahat nagtutulungan. Buhay na buhay ang bayanihan. Imagine pag nanalo si Leni, magpapatuloy lang ang ganitong kalakaran. Ang saya siguro magbayad ng tax dahil alam nating magagamit sa tama yung mga binabayad natin sa gobyerno.

Inaasar na nga ako ng mga kakilala ko na kapag natalo daw si VP Leni, iiyak ako. Oo iiyak ako. Idadamay niyo pa kami sa katangahan niyo sa pagboto ng mga corrupt na leader. Kaya di umaasenso ang Pilipinas eh.

Minsan lang dumating ang isang Leni Robredo. Please wag na natin siyang pakawalan. Ipanalo na natin ‘to. Hindi para kay Leni, kundi para Pilipinas.

3 thoughts on “My Kakampink Story

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s